San Lorenzo Ruiz (recessional) ============================== w: Timoteo Jose M. Ofrasio, SJ m: Eduardo P. Hontiveros, SJ, 2008 Filipino Hymn [Refrain] Sa 'yo, San Lorenzo Martir, ang bayan ay umaawit Ng 'sang magandang papuri naabot sa langit. Kami ay iyong turuang ang buhay ay ilaan sa lubos at ganap na pagtataya sa Diyos at inang bayan. [Verse 1] Yamang kami sa 'yo'y di maiba, kalahi nami't kabalat. Iisang bansa ating pinagmulan, perlas ng silangan! Tulungan mo't akayin mo kami sa tunay na kabanalan. [Refrain] [Verse 2] Sa 'yo, bayani't kawal ni Hesus, atas niya'y natupad. Sana kami laging maging tapat h'wag nang masindak sa anumang kaharasan; ang kamatayan man ay maharap. [Refrain] [Coda] Sa D'yos at inang bayan!