Papuri sa Diyos =============== w&m: Eduardo Hontiveros, SJ, 2008 Filipino Hymn [Refrain] Papuri sa Diyos, papuri sa Diyos, papuri sa Diyos sa kaitaasan. [Verse 1] At sa lupa'y kapayapaan, at sa lupa'y kapayapaan, sa mga taong kinalulugdan n'ya. [Verse 2] Pinupuri ka namin, dinarangal ka namin, sinasamba ka namin, ipinagbubunyi ka namin. [Verse 3] Pinasasalamatan ka namin dahil sa dakila mong angking kapurihan. [Verse 4] Panginoong Diyos, hari ng langit, Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. [Verse 5] Panginoong Hesukristo, bugtong na anak, Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama. [Refrain] [Interlude 1] [Verse 6 - Solo] Ikaw na nagaalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, Maawa ka, maawa ka sa amin. [Verse 7] Ikaw na nagaalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, Tanggapin mo ang aming kahilingan, Tanggapin mo ang aming kahilingan. [Verse 8] Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama, maawa ka, maawa ka sa amin. [Interlude 2] [Refrain] [Verse 9] Sapagkat Ikaw lamang ang banal, at ang Kataastaasan, Ikaw lamang O Hesukristo, ang Panginoon. [Verse 10] Kasama ng Espiritu Santo sa kadakilaan ng Diyos Ama, Amen. Ng Diyos Ama, Amen. [Refrain]