Maria, Tala Sa Karagatan ======================== w&m: Felipe Fruto Li. Ramirez, SJ Filipino Hymn Instrumental arr: Bob Sorem [Part 1] Sa 'ming paglalakbay dito sa lupa, ikaw ang aming gabay na tala, na umaakay kapag kami ay sa tamang landas nahiwalay. [Part 2] Sa 'ming paglalayag sa kadiliman, sa buhay na punong panganib, pangamba, ikaw ang Tala sa Karagatan, liwanag mo'y tanglaw sa twitwina. [Bridge] Ika'y Tala sa Umaga, Hudyat ang Araw ng Pagligtas. [Part 3] Santa Maria, mahal naming Ina, ipanalangin mo kami sa Diyos Ama. Upang si Kristo, aming hantungan, sa dulo ng landas matagpuan. [Part 4] Santa Maria, mahal naming Ina, ipanalangin mo kami sa Diyos Ama. Upang si Kristo, aming hantungan, sa dulo ng landas matagpuan. [Coda] Sa dulo ng landas matagpuan!