Inay (Mother) ==== w&m: Arnel Aquino, SJ; Paulo Tirol Filipino Hymn [Verse 1] Sa mahinahong paalam ng araw, sa pagihip ng hanging kahapunan, balabal ko'y init ng 'yong pagibig sa dapithapong kay lamig. [Verse 2] Mga bituin kay agang magsigising, umaandap, mapaglaro man din. Iyong ngiti hatid nila sa akin, sa diwa ko't panalangin. [Chorus 1] Puso ko'y pahimlayin, Inay, upang yaring hamog ng gabing tiwasay ay madama ko bilang damping halik ng 'yong Anak, Ay! Irog kong Inay. [Verse 3] Sa palad niyo itago aking palad. Aking bakas sa inyong bakas ilapat, at iuwi sa tahanan kong dapat sa piling ng inyong Anak. [Chorus 2] Puso ko'y pahimlayin, Inay, upang yaring hamog ng gabing tiwasay ay madama ko bilang damping halik ng 'yong Anak. Ay! Irog kong Inay. [Chorus 3] Puso ko'y pahimlayin, Inay, upang yaring hamog ng gabing tiwasay ay madama ko bilang damping halik ng 'yong Anak, Ay! Irog ko, O, Ina kong mahal! Ay! Irog kong Inay. Ooo Ooo Doo Ooo.