Inang Minamahal =============== m: Eduardo Hontiveros, SJ, 1982 w: Jose Mario Francisco, SJ arr: Atis Tuazon Filipino hymn: Loosely, "Beloved Mother" [Verse 1] Inang minamahal, si Hesus sa iyo sinilang, Inang sinisamba, Ang Diyos sa ‘yo nagpala. Inang minamahal, Kay Hesus kami ‘yong ialay Ilaan sa Kanyang Kaharian, upang kapwa’y mapaglingkuran. [Verse 2] Inang minamahal ni jesus naming mananakop, Inang sinisinta ng lahat mong mga anak. Nawa’y ilawan mo ang landas naming tatahakin, Kaligtasan namin at pagasa, tulong ng iyong panalangin, Sa harap ng aming kamatayan, o, ina, kami ’yong aliwin. [Verse 3] Inang minamahal, kalingain kami’t turuan, Na matularan ka sa iyong laging paglingap. Buksan aming kamay sa ‘ming kapwang baon sa hirap, Sa kanyang kalayaan at buhay, maialay ang pagsisikap, At higit, kung ito’y kailangan, katawa’t buhay man itaya.